Alamat ng Bakla

baklaMay mag asawang hindi mag kaanak humiling sila sa diyos na si dyosabel. Pinagbigyan naman ni dyosabel ang mag asawa ngunit sa isang kundisyon ito ay ang pagbibigay ng alay na gamit na mag kukundisyon sa kasarian ng anak nito. Pinag usapan ng magasawa ang gusto nilang kasarian at napagkasunduan nila na babae ang nais nilang pareho. Araw araw nilang inaalayan ng suklay at palda si dyosabel. Napagisipan na rin nila na Lala ang ipangalan sa anak. Dumaan ng mabilis ang mga araw at ganoon ang kanilang araw araw na ginagawa.

Sa huling araw ng pagbubuntis ng asawang babae, nag painom ang asawa nito sa kanilang mga kapitbahay. Masayang masayang nagdiwang ang buong baryo. Sa kasiyahan ng asawang lalaki nalimutan nitong mag alay kay dyosabel. Buti na lamang pinaalala ito asawa. Nang dahil sa kalasingan ng asawang lalaki nagkamali ito ng kukunin na alay na suklay at ang kanyang nakuha ay tabako. Dumating na ang oras ng kapanganakan, nabigla ang mga ito ng makita nila na lalaki ang lumabas noon lang nila nalaman ang nagawang aksidente ng asawang lalaki. Pinangalanan nila ang bata na Baki.

Lumaki si Baki na isang lalaking lalaking bata. May kababata siya na ang ngalan ay carla, at napagbiruan nilang ipangako na sila ang magkakatuluyan. Sa pagdating ng ika-6 na taon ni Baki tinanong ng mga magulang nito ang gusto niyang regalo, bigla na lang lumabas sa bunganga nito na ang gusto niya ay manika. Nabigla ang magulang niya, subalit ang binigay pa din nilang regalo ay yoyo. Habang dumadaan ang panahon napapansin ng magulang niya na nagkikilos itong babae. Dumating ang oras ng pag alis ni Baki sa kanila para mag aral sa lunsod. Nalungkot ang kanyang magulang at si Carla ngunit natanggap pa din nila ito.

Namuhay ang kanyang magulang sa baryo nila na may pag asang mag aaral ng mabuti si Baki. Taon taon naman nagpapadala ng medalya si Baki na naayon sa karangalan nito sa pag aaral. Sa panahon ng pag uwi nito nagbago ito ng lubos at nag mukha at kilos babae naiba na rin ang pangalan nito at naging bakla. Wala ng nagawa ang mga magulang nito kundi tanggapin. Nang magkita si Carla at si Bakla, lumabas pa rin ang pagkagusto nila sa isa’t isa. Natanggap naman ni Carla ang nangyari kay Baki napag usapan nila na magpakasal. Nagparami sila at namuhay ng masaya.

Yabut, Rizza Nika

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to comments via RSS Feed

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.