Maling Akala…

gay2Nagpunta ako sa SM para makipagtagpo sa isang mayaman at fafalicious na text mate(yun ang sabi niya).Nakakainis sampung minuto na ang nakakalipas wala pa rin siya.Pero nagpasiya pa rin akong maupo muna sa isang bench malapit sa nakatakda naming tagpuan upang hintayin pa siya ng kaunti.Habang naghihintay nalibang ako sa pang ookray ng mga taong nakikita ko.Hanggang sa mahagip ko ang isang “bakery”(tawag sa pulutong ng mga bakla).Ngayon ko lalong napagtanto na di lang iisa ang gawi at personalidad ng mga bading kumbaga sa ice cream iba-iba ang flavor.

May isang nag stand out sa kanila ng husto.Paano ba namang hindi mapapansin di lang basta naka miniskirt kundi naka super micro miniskirt ang suot kadangkal na lang yata ang haba at tanaw mo na ang ibong kumakawala ngunit pilit na iniipit ng kanyang dalawang hita.Ito marahil ang mga baklang lantad at bulgar.Ngunit napansin ko rin ang “aray” (tumutukoy sa poging lalaki) na nakaakbay sa kaniya.Lalaking-lalaki ang itsura at masasabi mong hindi talaga becky pero kung may relasyon sila nangangahulugan na bakla na rin siya(sayang naman!!!!).Siguro sila yung tinatawag na 2 in 1: pumapatol sa babae o di kaya sa kanyang kapwa lalaki,silahis sa mas kilalang tawag.Di rin nakaligtas sa aking paningin ang tila bagong salta sa kanilang grupo.Kaiba siya sa mga kasama niya na mukhang naghihirap dahil kinapos sa tela ang mga suot na damit.Bagamat disente ang kanyang suot (jeans at male shirt) at tila virgin pa sa kalandian di mapapasubalian na siya ay isang berdugo dahil na rin sa ilang senyales ng kanyang kabaklaan.Ang tulad naman niya ay mauuri sa mga baklang tago.

Samantala kasalukuyan akong nag mumuni-muni nang isang lalaki ang naupo sa tabi ko.May makapal na eyeliner at bangs na tumatabing sa “ouch” (tumutukoy sa lalaking cute lang).Ang nakakapagtaka bukod sa itim na shirt na suot nito ay naka palda din siyang itim,napaisip tuloy ako bakla ba siya?Hanggang maalala ko ang sinabi ni Rachel na ang mga emo raw lalo na sa ibang bansa ay nakapalda,nakikipaghalikan at chukchakan sa kapwa nila lalaki pero hindi sila bakla, self expression lang daw(oowwwss???).Pero para sa akin bakla pa rin ang tawag roon.Sila naman ang mga baklang emo in denial nga lang.

Ang tagal talaga ng ka textmate ko inugat na ako sa pag hihintay wala pa rin.Naalala ko tuloy yung crush kong prof namin nung highschool.Ayaw na ayaw niyang pinaghihintay kahit na bading sya sobrang lakas ng appeal ,sangkatutak na rexona siguro ang gamit nun at hindi sya binabastos sa halip nirerespeto.Ang mga gaya niya ay maihahanay sa mga baklang kagalang-galang.

Sa sobrang inip, aalis na sana ako nang may biglang lumapit sa akin.Tinatanong kung ako raw ba ang textmate niya base sa deskripsyon ng suot ko.Muntik na akong mapamura dahil shit ang mukha,Ang tatag ng fez na ipangalandakang hawig nya si Dennis Trillo puwet nga lang nun taob na siya.Siya naman ay maiuuri ko sa mga mga lalaking mukhang bakla(piz hehehehe..).

Macutay, Emmalyn

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to comments via RSS Feed

Pages

Categories

Links

Meta

Calendar

December 2016
M T W T F S S
« Sep    
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Most Recent Posts

 
%d bloggers like this: