Nagmahal lang ako ng Bakla(SoOobrang SeEsy!!!!)

MZ19C8CA1GCM3YCACD4OXECA2MRY1VCA7VCRUICAGL2V6OCAUR3UQSCAJHCPFDCABIUMY6CAC2SRJICA9VLMMICAOFDUVCCABYYN5KCA7E0BFHCAB23YKRCAFKV97ICAI3U4X7CAIZ1Q21CAQ9QPMKCARSCJDL
“In My Life”

Muntik na akong magebolb paglabas ko ng sinehan kulang na lang tawagin ko si Basilio at Crispin sa tindi ng emosyong naramdaman ko matapos kong mapanood ang pelikulang “In my Life”.Bukod sa pamatay na batuhan ng linya ng mga casts na talaga namang mapapahagalpak ka sa katatawa at magkakandatulo ang uhog mo sa kaluluha.Isang bagay ang higit na nakakuha ng aking atensyon.Ito ang isyu ng kabaklaan na pilit na itinatago ngunit syang tinutumbok ng istorya kung iyong susuriin.

Ang pelikulang ito ang naging repleksyon ng talamak at lantarang pagpapakita ng gay relationships na sa kasalukuyan ay pikit matang tinatanggap ng ibang lahi at bansa.Bilang patunay ay ang kissing scene ni John Lloyd Cruz at Luis Manzano na mas sobrang cheesy sana kung ako ang kaeksena ni papa Lloydie(asa nman sya choosy kaya ako,..hekhek..).Ilan lamang ito sa pruweba na maging sa mundo ng pagarte di na binibigyang pansin o ginagawang big deal ang ganitong uri ng intimate affection sa pagitan ng magkaparehong kasarian.

Hanggang ngayon di k0o pa rin masakyan kung bakit ang isang lalaki ay nagmamahal ng kapwa nya lalaki?Sino ang tatayong ilaw at syang maninindigan bilang haligi ng tahanan?Naku! sa palagay ko magkaron man ako ng IQ na tulad ng kay Einstein mabubuwang pa ren ako sa kahahanap ng sagot sa mga katanungang ito.Dahil sa pagmamahal walang dahilan at tamang sagot;pag-ibig ang pumupuno sa katanungan at pagaalinlangan ng isang nagmamahal……….

“Nagmahal lang ako ng Bakla”
(dagtang lason)

Napuyat na naman ako dahil sa paulit-ulit na pagtugtog ng kantang yan sa isip ko.
Kahit saan ata ako magpunta ang awiting ito ng dagtang lason ang bukambibig ng lahat lalo na ng mga tambay sa kanto maging mga paslit na kung tutuusin ay walang muwang sa kahulugan ng kanilang kinakanta.Pero kung may mas nagbubunyi sa pagsikat ng kantang ito yun ay ang mga alipores ni Bebe Gandanghari (mga dating lalake na dinapuan ng mariposa kaya’t ngayon ay taas noong naglantad ng kanilang katauhan).Para sa kanila ang awiting ito ay tila humaharana sa kanilang pagkataong hindi matanggap-tanggap ng lipunan.Ito rin ang kaisa-isang kantang nagbigay halaga sa kanilang kakanyahang umibig.

Ngunit sa kabila ng kaligayahang naidudulot nito sa mga bakla patuloy pa rin itong umani ng intriga at sandamakmak na kontrobersya bunsod ng malaswa nitong nilalaman at tila panghihimok sa lahat na sumuong sa ganitong uri ng pakikipagrelasyon.Bigla tuloy akong napagisip,bakit ganito na lang kung usigin ng lipunan ang mga katulad nila pati kaunting ligaya ipinagdaramot!.. Sa palagay ko di naman nila kasalanan na kung sa pasilang nila pumilantik kaagad ang mga dalliri nila sa kamay at fafa ang unang katagang namutawi sa kanilang mga labi.Subalit kasalanan man o hindi, ang katotohanan ay sila pa rin ang pumapasan sa lahat ng parusang kaakibat ng pagkataong ni minsa’y di nila hinangad mapasakanila.Kaya sana kahit konting respeto mula satin ay sasapat na para maibsan ang mga pasakit na kanilang binabata.Pagkat sila’y tao rin;humihinga,nagmamahal at nasasaktan………

Bernardo, Zaralyn

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to comments via RSS Feed

Pages

Categories

Links

Meta

Calendar

December 2016
M T W T F S S
« Sep    
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Most Recent Posts

 
%d bloggers like this: