Ugat ng Pagiging Bakla

Rally ng mga bakla

Rally ng mga bakla

Anu-anu nga ba ang mga dahilan ng pagiging bakla? Para sa akin ito’y namamana o impluwensya ng mga tao sa paligid, pagkawala ng kainggitan sa kapwa lalaki, pagkaingit sa mga babae, pakiramdam niya na mas masarap magmahal ang kapwa lalaki at anak siya ng tatay na binubugbog ang nanay.

Ang pagiging bakla ay namamana o ito ay nakakaimpluwensya. May kasabihan ngang like father like son, dba? Ang mga ginawa ng ama ay nagiging tama sa mata ng bata. Pagka ang kapatid mo naman ay puro babae, ikaw ay may posibiledad na masanay sa mga gawa nila. Ang mga gamit din na nakapaligid sa iyo ito’y may malaking impluwensya sa kasarian mo. Kunwari di mo makita ang gamit mo na dapat mong gamitin ikaw na lang ay magkakasiyang gumamit ng gamit pambabae, at doon mo maaring marealize na mas masarap gumamit ng gamit nila.

Ang pagiging bakla ay pagkawala ng kainggitan sa kapwa kalalakihan. Hindi ka naiinsecure sa kanya ngunit ikaw naman ay nagkagusto na. Para lang din itong dahil ayaw mo ng makaramdam ng pagkainggit mas ninanais mo na lang na magkagusto sa kanya. Marami ka nang naramdamang insecurities sa buhay mo kaya ayaw mo na itong madagdagan. Unang beses mo din na nakitang may mas pogi sayo o narcissist ka eh hindi mo ito natanggap dahil doon ang dugo ng kabaklaan ay dumaloy sa ugat mo. Halimbawa maari nito ay yung kay Piolo Pascual, nagsimulang mag kaintriga na siya ay bakla noong dumating si Sam Milby, dahil siguro sa kagwpuhan ni Sam na nakakasapaw sa kanya kaya siya ay nag evolve. Hindi ko din naman sinasabi na kung hindi ka nakadama ng pagkainggit ikaw ay bakla, ang nais ko lang bigyan pa ng iba pang denotasyon ang hindi mo pagkadama ng inggit, pero siguro isa kang mabuting tao kung hindi mo ito nadama.

Isa ding factor na nagdudulot ng pagkabakla ay ang pagkainggit sa kababaihan. Nakita mo na mas madali ang pamumuhay nila tulad ng paghuhugas ng pinggan, pagwawalis o yung mga gawaing pambahay, pakatapos ikaw ay hirap na hirap sa pagbubuhat dahil doon nanaisin mo nang maging tulad nila kahit kalahati. Napapansin mo din na mas maraming sakit ang prone sa inyo kesa sa mga kababihan. Mas madali din yung trabaho nila kesa sa inyo at kung ikaw ay magiging tulad nila kahit sa kalahati maaring ang trabaho mo ay sa parlor, na walang kahirap hirap. Si Rustom Padilla kaya siguro siya naging bakla ay dahil nakita niya kay Carmina noong sila pa na mas magaan ang mga ginagawa nito. Ang mga ito ay ayon lang naman sakin kaya sana wag kayong kunotan ng noo.

Ang pakiramdam na mas masarap magmahal o mahalin ng kapwa lalaki ay nagdudulot din ng kabaklaan. Sa physics, same poles repel opposite poles attract, ito’y kabaligtaran naman nito. Maiisip mo na ang lalaki ay alam ang mga saloobin mo hindi tulad ng mga babae na magkaiba kayo ng pag-iisip. Nasaktan ka na din ng ilang beses sa pagmamahal ng babae kaya mas nanaisin mo na lang magmahal ng lalaki. Ayon lang naman ang mga ito sa mga napapanood ko ngunit ang iba dito ay naaangkop sa realidad.

Nakikita mong binubugbog ang nanay mo ito rin ay nagiging sanhi ng kabaklaan. Naiisip mo na ganoon ang mga lalaki kaya mas nanaisin mong wag maging katulad nila. Maari din naman nasabi mo sa sarili mo na di ka tutulad sa tatay mo ngunit ika’y meron pa rin duda na magagawa mo ito, kaya para sigurado ka mas nanaisin mo na lang maging bakla. Ang tatay mo naman pag nalaman ito pipilitin kang maging lalaki sa pamamagitn ng pagbubugbog dahil dito mas nanaisin mo na lang talagang maging bakla.

Ang mga nasabi ko, mga nabigay kong kadahilanan at mga opinion ay ayon lang sa nakikita ko. Walang masama sa pagiging iba wag lang makakasakit at makakagrabyado.

Bulaong, Mary Laudette D.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to comments via RSS Feed

Pages

Categories

Links

Meta

Calendar

December 2016
M T W T F S S
« Sep    
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Most Recent Posts

 
%d bloggers like this: