BUHAY BAKLA

September 20, 2009 psych1agr4

Perslab Days
(First love dies)

Gay Cartoon July 15, 2007 PNGIsang maalinsangang tanghali. Malagkit na laway ang syang nakapagpabalik sa aking kamalayan. Nakatulog na naman pala ako. Habang pinupunasan ko ang laway na nakapagkit sa aking pisngi, isang di pamilyar na mukha ang pumukaw sa aking atensyon. Pansamantalang tumigil ang mundo ko. Para akong dinuduyan sa alapaap at pinaghehele ng libu-libong anghel. Bigal kong naitanong sa sarili ko, ito ba ang lab? Kung sakali, sa edad na trese matitikman ko na ang tamis ng unang pag-ibig.

Ganun pala ang mainlab katakut-takot na taghiyawat ang tutubo sa mukha mo, di makakakain at laging siya ang laman ng isipan at suki ng panaginip ko. Totoo rin pala ang sinasabi sa kanta ni Jolens “kung ikaw ay isang panaginip ayoko, ayoko ng magising ohh…..” Salamat na lang sa bangs niya na laging nagpapaalala sa akin na wag maging emo kung hindi matagal na sana akong di gumising makasama lang siya habangbuhay sa panaginip ko.
Samantala lalong naging makulay ang pagpapantasya ko bilang isang eba ng makilala ko siya. Kasalukuyan ako noong umiiyak dahil napagkaisahan na naman ako ng mga kaklase kong naging libangan na yatang kutyain ang lahat sa akin ultimo ang nananahimik kong buhok sa kilikili pinatos. Pinagtanggol niya ako. Pakiramdam ko siya si superman at ako naman si darna. Kumbaga hindi kami tao dahil bagay kami bagay na bagay (sobrang cheesy….!)

Simula noon nalaman ko na ang pangalan niya pala ayRex, ang aking perslab. Naging magkaibigan kami. Bawat araw walang hanggang kaligayahan ang umaalipin sa akin at bawat segundong lumilipas na magkasama kami lalong lumalalim ang pag-ibig na nadarama ko para sa kanya.

Makalipas ang ilang linggong pagtitimpi, di ko na kayang pigilin pa ang aking damdamin kaya nakipagsapalaran ako at buong landi kong ipinagtapat sa kanya na siya ang masuwerteng nilalang na minamahal ko.

Gulat at pagkabigla ang naaninag ko sa kanyang mata , kasabay ang nakakaloka at bonggang-bonggang paghalakhak (dinaig pa nga ang halakhak ni mura at braguda). “Gurl anech ka ba? Wiz tayo talo inggetch nga ako sayo kasi ikaw out na!” Huli na ng mapagtanto kong berde ren ang kulay ng kanyang dugo……….tulad ko! At iisa lang ang hanap ng aming mga puson este puso, yun ay ang pagmamahal ng isang adan. Kasabay ng pagkamatay ng aking unang pag-ibig ay ang pagkabuhay ng aking pagkatao bilang isang bading.

Minsan pa sabay naming pinagsaluhan ang halakhak ng mga mapaghalinang becky! Mga kaluluwang sa wakas ay kumawala sa maskara ng pagkukunwari!!!……….

Haaaayyy!……Pagibig nga naman….masarap na masakit na masaya pero talagang masakit. Sa totoo lang hindi ako ang baklang nagbibidahan sa kwentong yan pero espesyal sa akin ang lalakwe na nagtataglay ng kiti (tumutukoy sa dalawang kasarian hehehe…) ang syang tunay na bida at syang naging inspirasyon ng blog na ito. (Hindi ko na babanggitin pa ang kanyang pangalan at baka matalbugan pa niya ang byuti ko! Blog kaya namin to kamin dapat ang sikat!!!)

Sa kabilang dako layunin naming bigyang boses ang aming mga saloobin hinggil sa kontrobersyal na isyung ito sa lipunan hindi dahil iisang kulay ng dugo ang nananalaytay sa aming katawan kundi dahil ika nga ni Mar Roxas “RAMDAM NAMIN KAYO”

  • BULAONG, MARY LAUDETTE D.
  • BERNARDO, ZARALYN M.
  • CRUZ, ADRIAN TOM M.
  • MACUTAY, EMMALYN B.
  • MAGPAYO, ARVIN N.
  • YABUT, RIZZA NIKKA S.
  • Entry Filed under: Uncategorized

    Leave a Reply

    Fill in your details below or click an icon to log in:

    WordPress.com Logo

    You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

    Twitter picture

    You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

    Facebook photo

    You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

    Google+ photo

    You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

    Connecting to %s

    Trackback this post  |  Subscribe to comments via RSS Feed

    Pages

    Categories

    Calendar

    September 2009
    M T W T F S S
         
     123456
    78910111213
    14151617181920
    21222324252627
    282930  

    Most Recent Posts

     
    %d bloggers like this: